28 sibiliyan na nasawi sa Marawi City, ililibing sa Sabado

By Chona Yu July 19, 2017 - 10:18 AM

FILE PHOTO: Contributed by Joe Torres

Ililibing na sa Sabado ang mga labi ng 28 bangkay ng mga sibilyan na pinatay ng teroristang Maute group sa Marawi City.

Ayon kay Lanao del Sur, Assemblyman Zia Alonto Adiong, mass grave na lamang ang gagawin sa mga bangkay sa Barangay Harak Medina.

Natapos na rin aniya ng PNP-SOCO ang pagsusuri sa mga bangkay.

Bukod dito, pumayag na ang mga muslim na pamilya ng mga nasawi na ilibing na ang mga bangkay.

Pumayag na rin ang local government officials sa naturang barangay na gamitin ang lupa para paglibingan.

Una rito, inilibing na ng lokal na pamahalaan ang labing pitong bangkay na kabilang sa 45 sibilyan na pinatay ng teroristang grupo.

 

 

 

TAGS: civilian casualty, civilians, Marawi City, mass grave, Maute Terror Group, Radyo Inquirer, civilian casualty, civilians, Marawi City, mass grave, Maute Terror Group, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.