WATCH: 24 sugatan sa pagsalpok ng jeep sa isang poste sa Antipolo City
Sugatan ang 24 na katao makaraang sumalpok sa poste ng ilaw ang isang pampasaherong jeep sa Antipolo City.
Pawang pasahero ng jeep na biyaheng Cogeo-Cubao at may plate number na UVB 972 ang nasugatan. Sugatan din ang driver ng jeep.
Ayon kay Traffic Enforcer Richard Santos ng Antipolo LTO, naganap ang aksidente sa Barangay Mayamot, alas 5:20 ng umaga.
Nawalan umano ng kontrol ang jeep dahil nakikipag-karera ito sa isa pang ‘patok’ na jeep.
Dinala sa Amang Rodriguez Medical Center sa Marikina City ang lahat ng nasugatan.
WATCH: Pampasaherong Jeep sumalpok sa poste ng ilaw sa Marcos Highway sa Antipolo | @jescosioINQ pic.twitter.com/WTPXb7El2f
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) July 18, 2017
24 ang nasugatan sa nasabing aksidente | @jescosioINQ pic.twitter.com/B8Htt8XTUD
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) July 18, 2017
Para sa iba pang mga balita:
Listen: 990khzAM
Watch: Inquirer990TV on blackbox, other digiboxes & mobile TV
Visit: radyo.inquirer.net
Download: Radyo Inquirer Mobile App here https://inq.news/radyo
Follow: @dzIQ990 on Twitter
Like: https://www.facebook.com/radyoinquirer990 on FB
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.