CPP, inutusan ang NPA na magsagawa ng mga pag-atake laban sa Martial Law extension

By Mariel Cruz July 18, 2017 - 08:39 PM

Ipinag-utos ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa New People’s Army (NPA) ang pagsasagawa ng mga pag-atake sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ito ang tugon ng komunistang grupo matapos palawigin hanggang sa katapusan ng taon ang idineklarang Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Mindanao.

Ayon sa CPP, magreresulta lamang ang pagpapalawig sa Martial Law sa mas malupit na pang-aabuso ng militar at pulis.

Pahahabain din aniya nito ang paghihigpit laban sa civil at political freedom at palalalain ang mga paglabag sa demokratikong karapatan ng mamamayan.

Sinabi din ng CPP na ang Martial Law sa Mindanao ay pag-atake sa karapatan at kalayaan ng bawat Filipino.

Binanggit din ng komunistang grupo na sa nagdaang dalawang buwan, naglunsad ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng opensiba laban sa NPA, tulad ng aerial bombings sa North Cotabato, Bukidnon, Davao del Sur, Davao City, Davao del Norte, at Compostela Valley.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.