WATCH: Construction workers, sugatan sa pagbigay ng beam sa Skyway Project sa Makati

By Mark Makalalad July 18, 2017 - 08:10 PM

Sugatan ang limang construction workers matapos bumigay ang coping beam na ginagamit sa ginagawang Skyway Project sa Makati City.

Nakilala ang mga sugatan na sina Norman Nicolas, Ronald Degamo, Jerwin Deocarisa, JR Balaquidan at Guillermo Santos Jr.

Dahil sa pinsala, isinara ang magkabilang panig ng Osmeña Highway makaraan ang nangayaring insidente.

Ayon kay Ely Dela Cruz, Traffic Management Head ng Skyway, pasado alas 9:15 ng maganap ang aksidente.

Nadamay naman sa naturang insidente ang dalawnag sasakyan makaraang tamaan ng bakal.

Samangala, ang mga motorista naman, lalo na yung mga truck na dadaan ng osmena highway,

Pinayuhan na lamang na mag iba ng ruta ang mga motoerista lalo na ang mga truck para iwas abala.

Paliwanag ng pamunuan ng Skyway, lahat ng mga nasirang bars ay papalitan para hindi makwestiyon ang integridad ng kanilang proyekto.

Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad kung ano ang sanhi ng insidente.

Narito ang buong report ni Mark Makalalad:

TAGS: Coping Beam, makati city, Skyway, Coping Beam, makati city, Skyway

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.