Karagatang sakop ng Russia, niyanig ng magnitude 7.8 na lindol
Tumama ang malakas na magnitude 7.8 na lindol sa karagatan na sakop ng Russia.
Ayon sa ulat ng USGS, may lalim na 300 kilometers ang lindol at naitala sa 234 kilometers ng Nikol’Skoye, Russia.
Nagpalabas naman ng tsunami advisory ang National Weather Service ng US sa mga residente na naninirahalan malapit sa Aleutian Islands, Alaska.
Naitala kasi ang lindol malapit sa Bering Strait na naghihiwalay sa Russia at Alaska.
Samantala, pinawi naman ng Phivolcs ang pangamba na ang nasabing lindol ay magdudulot ng tsunami sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.