Mga pumasok na remittances mula sa OFWs, tumaas noong Mayo

By Kabie Aenlle July 18, 2017 - 04:05 AM

 

Muling nakabawi ang lagay ng personal remittances na naitalang ipinadala sa bansa ng mga Pilipinong nasa abroad nitong nagdaang buwan ng Mayo.

Ayon sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umabot sa $2.588 billion ang naipasok na pera ng mga Pilipino sa ibang bansa noong Mayo.

Mas mataas ito ng 7.1 percent kung ikukumpara sa naitala noong Abril na $2.317 billion, na pinakamababang inabot ng personal remittances para sa taong ito.

Naniniwala ang BSP na ang pagtaas na ito ay dahil rin sa 5.9 percent na pagdami ng mga land-based workers na may isang taon o mahigit na kontrata.

Natapatan kasi ng bilang na ito ang 0.6 percent na pagbaba sa mga remittances mula sa mga sea-based at land-based workers na may kontrata na mas mababa sa isang taon.

Sa kabuuan, nasa $12.613 bilyon na ang naipadalang pera sa bansa sa loob ng unang limang buwan ng taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.