PUV modernization, hindi makakaapekto sa pamasahe sa jeepney ayon sa DOTr
Nilinaw ng Department of Transportation (DOTr) na hindi magreresulta sa pagtataas sa pamasaher sa jeepney ang modernization program ng ahensya sa public utility vehicles (PUVs).
Ayon kay Elvira Medina, Assistant Secretary for Commuters Affairs, maaari pang bumaba ang gastusin ng mga jeepney operator dahil gagamit na sila ng ‘fuel efficient’ na sasakyan sa ilalim ng modernization program.
Sinabi ni Medina na kaya lumalaki ang konsumo ng mga jeepney driver sa spare parts dahil masyado nang luma ang kanilang sasakyan.
Unang sinabi ni PISTON president George San Mateo na ang mga modern jeep na nagkakahalag ng P1.6 million bawat isa, ay masyadong mahal para sa small operators.
Pero sinabi ni Medina na maaari naman bumili ng mas murang modern jeeps ang mga operator sa mga local manufacturer.
Samantala, aabot sa dalawang libong jeepney driver mula sa “No to Jeepney Phaseout Coalition” ang nagsagawa ng rally sa Quezon City Circle, Lunes ng umaga, para iprotesta ang modernization program.
Nagbabala pa ang ilang transport groups na magsasagawa ng mas malaking kilos protesta sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 24, kung hindi papansinin ng presidente ang kanilang protest caravan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.