15 sakay ng nagkaproblemang cargo vessel, nailigtas ng coast guard sa Zamboanga

By Dona Dominguez-Cargullo July 17, 2017 - 11:57 AM

PCG Photo

Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang labinglimang katao na sakay ng isang pump boat na nagkaproblema sa makina sa karagatang sakop ng Rio Hondo, Zamboanga City.

Nakatanggap ng tawag ang Coast Guard Station Zamboanga hinggil sa nagkaproblemang MB Sabturiya na patungo sana sa Pilas Group of Island sa Basilan.

Kabilang sa mga nailigtas ang limang crew na sina Julpala Indanan, Badskie Usama, Ismael Ahmad Usama, Mustapa Usama at Josep Jadjuri.

Nailigtas din ang sampung pasahero na kinabibilangan nina Nojarin Nulsan Jadjuri,
Usama Baik Haping, Sulaiman Abdugama Labbuna, Dinar Ahlam, Benhar Hussin,
Jajid Vicente at apat na iba pa na pawang menor de edad.

Agad dinala sa beach area ang mga indibidwal na isa-isang nailigtas sa isinagawang search and rescue operation.

Habang ang MB Sabturiya ay isinailalim muna sa kostodiya ng coast guard habang tinutukoy kung nagkaroon ng paglabag sa paglalayag nito.

 

 

 

TAGS: coast guard, Zamboanga, coast guard, Zamboanga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.