PNP kinontra ng DDB sa report ukol sa mga shabu laboratories
Pumalag si Dangerous Drugs Board Chairman Dionisio Santiago sa pahayag ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na wala ng shabu laboratory sa bansa.
Sa pulong balitaan sa Quezon City, sinabi ni Santiago na sa kanyang pagkakaaalam may tatlo hanggang apat pang shabu lab ang nasa Luzon.
Protektado aniya ng nga lokal na opisyal ang nasa likod ng shabu laboratory.
Ayon kay Santiago, bilang chairman ng DDB, ipauubaya na niya sa Philippine Drug Enforcement Agency at iba pang law enforcement agency gaya ng PNP ang pagtuton sa mga pagawaan ng iligal na droga.
Gayunman, umaasa si Santiago na sana ay tama si Dela Rosa at wala nang shabu lab sa bansa.
Hindi maikakaila na karamihan sa suplay ng droga ay gawa na sa abroad at hindi na sa Pilipinas ayon pa sa opisyal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.