State of calamity, idineklara na sa Bohol

By Kabie Aenlle July 15, 2017 - 04:15 AM

Idineklara na ng Bohol Provincial Board ang state of calamity sa kanilang lalawigan, isang linggo matapos tumama ang magnitude 6.5 na lindol sa ilang bahagi ng Visayas.

Nagdesisyon ang lokal na pamahalaan na isailalim na ang buong lalawigan sa state of calamity dahil lubha nang apektado ang ekonomiya nila bunsod ng kawalan ng supply ng kuryente, tubig at linya ng komunikasyon.

Sa pinakahuling pahayag ni Energy Sec. Alfonso Cusi, inaasahang sa katapusan pa ng Hulyo tuluyang maibabalik sa normal ang supply ng kuryente sa buong Eastern Visayas at mga lugar na naapektuhan din ng lindol.

Gayunman, may iilang bahagi na ng Leyte ang may kuryente na, tulad ng Ormoc at Tacloban, pero makakaranas pa rin sila ng rotational brownout hangga’t hindi tuluyang naisasaayos ang supply ng kuryente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.