Hindi lang 1 ang suspek sa Bulacan massacre base sa DNA test; suspek na si ‘Miling’ kumpirmadong ginahasa ang 1 biktima

By Dona Dominguez-Cargullo July 14, 2017 - 03:09 PM

Kuha ni Ricky Brozas

Sa isinagawang DNA profile ng Philippine National Police (PNP) lumilitaw na hindi lang isa ang suspek sa pagpatay sa limang miymebro ng pamilya sa Bulacan.

Ayon kay Bulacan provincial police director Sr. Supt. Romeo Caramat III, sa resulta ng pagsusuri ng mga crime laboratory technician, iisang kutsilyo ang ginamit sa apat na biktima na sina Auring Dizon; Estrella Carlos, Ella at Dexter.

Habang ibang kutsilyo naman ang ginamit sa sa pang biktima na si Donnie.

Isang kutsilyo lang ang na-recover ng mga otoridad sa crime scene at nag-match dito ang DNA profile na kinuha sa apat na mga biktima habang hindi nag-match ang kay Donnie kaya posibleng iba ang ginamit na kutsilyo sa bata.

Sa nasabi ring resulta ng DNA profile, nagpositibo na ginahasa nga ng suspek na si Carmelino “Miling” Ibañes si Estrella.

Ayon kay Caramat, ang DNA sample mula sa vaginal swab na kinuha mula kay Estrella ay nag-match sa DNA sample na kinuha mula kay Ibañes.

Bagaman walang nakuhang DNA profiles ng mga “person of interest” sa kaso, sinabi ni Supt. Fitz Macariola, hepe ng San Jose Del Monte City police na hindi naman ito mangangahulugan na lusot na sila sa kaso.

 

 

 

 

 

TAGS: Bulacan massacre, carlos family, crime, dizon, Radyo Inquirer, Bulacan massacre, carlos family, crime, dizon, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.