Mga kasapi ng INC, bumuhos sa EDSA; daloy ng trapiko mula Shaw hanggang Ortigas at Guadalupe, apektado
Kung kanina, ay nasa service road lamang ng EDSA-Shaw Blvd., ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo, ngayon ay kanilang nasasakop na ang malaking bahagi ng Northbound lane ng EDSA mula sa Shaw Blvd., hanggang sa Ortigas flyover.
Ilang mga miyembro ng INC ang naglakad mula Shaw Blvd. at sinakop ang harapan ng SM Megamall samantalang ilang grupo naman ang nagmula sa Ortigas Ave., at naglakad patungong SM.
Dahil dito, halos magsara na sa daloy ng trapiko ang naturang bahagi ng EDSA.
Wala namang magawa ang mga pulis na nagbabantay sa area dahil sa biglang buhos ng mga miyembro ng INC sa lugar.
Marami na ring mga motorista at mga pedestrian ang stranded dahil sa halos sarado na sa daloy ng trapiko sa area.
Sa pinakahuling tala ng Eastern Police District, nasa 13 ,000 mga miyembro ng Iglesia ang nagkikilahok sa rally.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.