TINGNAN: Kahun-kahon ng beer tumapon sa kalsada; mga residente nagpyesta
Tumagilid ang isang truck na may kargang libu-libong bote ng beer sa may bahagi ng Cloverleaf, Balintawak Byernes ng hatinggabi.
Ayon sa driver ng truck na si Nicodimo Cerezo, galing silang Valenzuela City at papunta sanang Canlubang, Laguna nang mangyari ang aksidente.
Nasa 1,536 cases ng beer ang lulan ng naturang truck kung saan aabot sa 1.3 milyong piso ang kabuuang halaga nito.
Sinabi naman ni Romeo Ramos, pahinante ng truck na bumigay ang gilid na bahagi ng truck kung saan naka-lock ang mga ito na siyang naging dahilan kung bakit tumilapon ang dala nitong mga case ng beer.
Dahil dito, nagkalat ang mga basag na beer sa kalsada habang kanya-kanyang kuha naman ang mga residente lugar sa mga pwedeng mapakinabangan na mga bote ng beer na hindi nabasag.
Isa ang residenteng si Yolando Castro sa lugar na sinamantalang makakuha ng libreng beer.
Agad namang dumating ang kawani ng NLEX para linisin ang lugar at tinulungan ang mga pahinante na maitabi ang nasabing truck para maiwasan pang magdulot ng mas mabigat pang traffic sa lugar.
Tingnan: Kahun-kahon ng beer tumapon sa tumagilid na trak sa Balintawak, QC pic.twitter.com/jU099yW1jr
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) July 13, 2017
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.