Magkahiwalay na naaresto ang dalawang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf sa Tawi-Tawi kahapon.
Kinumpirma ito ni Brig. Gen. Custodio Parcon na commander ng Joint Task Forces Tawi-Tawi at trilateral maritime patrol INDOMALPHI o Indonesia, Malaysia, Philippines.
Naaresto si Ara Samindi sa Lagaan Island sa bayan ng Taganak, at si Abu Sayyaf sub-leader Omar Harun alyas Abu Halipa naman sa Poblacion Taganak sa parehong bayan.
Ayon kay Parcon, parehong konektado sina Samindi at Harun sa grupo ng Abu Sayyaf na naka-base sa Sulu.
Kabilang aniya ang dalawang suspek sa 23 na high-profile Abu Sayyaf Wanter List ng Malaysia, na nasangkot umano sa sea-jacking at kidnapping sa karagatan sa pagitan ng Sabah at Tawi-Tawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.