Kuryente sa Eastern Visayas, sa katapusan pa ng Hulyo tuluyang maibabalik

By Kabie Aenlle July 14, 2017 - 04:05 AM

 

Mas mahaba-haba pang pasensya ang hihingin ng Department of Energy (DOE) sa mga residente ng Leyte at nalalabing bahagi ng Eastern Visayas.

Kailangan pa kasi nilang maghintay hanggang sa katapusan ng buwang kasalukuyan bago tuluyang maibalik ang supply ng kuryente sa kanilang mga lugar na tinamaan ng magnitude 6.5 na lindol.

Ayon kay Energy Sec. Alfonso Cusi, magagawa ang full power restoration pagdating ng katapusan ng Hulyo, base na rin sa mga briefings na ibinigay sa kaniya ng Energy Development Corp. (EDC) at National Grid Corp. (NGCP).

Pero ani Cusi, inuunti-unti naman na nila ang power restoration at simula July 16 ay maglalabas na ng 40 megawatts ang Visayas Grid, na madadagdagan naman ng 90 megawatts sa July 19.

Samantala, naging masaya naman si Pangulong Rodrigo Duterte sa naging pag-responde at patuloy na pag-aasikaso ng mga ahensya ng gobyerno sa mga nabiktima ng lindol.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.