Pagdating ng 1 milyong miyembro ng INC sa EDSA, binabantayan ng PNP-NCRPO

August 30, 2015 - 04:48 PM

 

Kuha ni Mariel Cruz

(UPDATE) Nadagdagan ang bilang ng mga taga-Iglesia ni Cristo na nagtungo sa EDSA-Shaw Boulevard upang makilahok sa kilos protesta laban kay Justice Secretary Leila De Lima.

Sa pinakahuling pagtaya ng PNP Eastern Police District, mula sa 1,300 na crowd estimate kaninang bago magtanghali, tumaas ito sa 4,000 dakong ala-4:00 ngayong hapon.

Patuloy na nakabantay ang puwersa ng PNP sa lugar bagama’t wala namang ‘untoward incident’ na naitatala sa kasalukuyan.

Nagpapatuloy din ang pagpapalabas ng mga programa at pagtatalumpati ng ilang mga personalidad na dumadating sa naturang okasyon bilang pagpapakita ng supoerta sa mga dumadalo.

Isa sa mga dumalo sa okasyon ang broadcaster na si Anthony Taberna at misis nito.

Sa kanyang talumpati, sinabi nito na hindi sila pinilit ng sinuman para magprotesta sa EDSA.

Una rito, sinabi ng mga taga-Iglesia na inaasahan nilang aabot sa isang milyong ‘kapatid’ ang inaasahan nilang dadagsa ngayong araw sa protesta dahil kanilang inaasahan ang pagdating ng kanilang mga kasamahan mula sa mga karatig-probinsya.

Gayunman, iginiit ng EPD na imposible ang sinasabi na ito ng INC dahil maliit lamang ang lugar sa EDSA-Shaw na kung saan kanilang pinapahintulutang makapag-programa ang mga miyembro ng Simbahang Iglesia.

Bukod dito, hanggang ngayong araw lamang ang ibinigay na permit ng Mandaluyong City na makapagrally ang mga taga INC. / Jay Dones, Mariel Cruz

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.