Mahigit 80 katao ang pinagdadampot sa one-time big-time operation sa Makati City
Umabot sa 82 katao ang piangdadampot sa isinagawang one-time big-time operation ng Makati Police sa iba’t ibang bahagi sa lungsod.
Pinakamarami sa mga nadakip ay pawang nag-iinuman sa kalsada na nasa mahigit 50.
Ang iba sa mga dinala sa himpilan ng pulisya ay pawang menor de edad na lumabag sa curfew.
Mayroon ding ilan na naaktuhan na gumagamit ng ilegal na droga, habang mayroong apat na may standing warrant of arrest sa iba’t ibang kaso.
Sasailalim pa sa verification ang mga inaresto para matukoy kung may iba pa silang kasong kinakaharap.
Kakasuhan din sila ng paglabag sa City Ordinance.
Ang mga menor de edad naman ay ibibigay sa pangangalaga ng Department of Social Wefare and Development (DSWD).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.