WATCH: Sundalo, sumulat ng isang awitin para sa pagbangon ng Marawi
Sumulat si Sgt. Ronie Halasan ng isang awitin na handog para sa pagbangon ng Marawi City mula sa kaguluhan na bumabalot sa lungsod.
Mensahe ng pag-asa ang nilalaman ng nasabing awitin na pinamagatang “Bangon Marawi”.
BANGON MARAWI
Lyrics & Music by Sgt. Ronie M. Halasan (OS) PA
I
Sa bayan kong sinilangan
Tahimik at sagana sa likas na yaman
Kristiyano at Muslim magkapatid ang turingan
Isang bansa, isang diwa, isang minimithi
Para sa isang bandila
II
Paglubog ng araw ako’y nabigla
Dahil bumalot ang kadiliman sa buong madla
Apoy lumilipad at putok ng baril umaalingaw-ngaw
Nagliyab, Sumabog at batang paslit
Sa awa’y sumisigaw
Marawi, bumangon ka
Tama na ang maling pakikibaka
Kapatid gumising ka!
Di ka ba naaawa sa bayan kong nagdurusa
Bumangon ka, Marawi
Kayang-Kaya natin ito
Oh, Bangon Marawi
Simulan na natin ngayon
III
Sa isang munting liwanag
Bayan ko’y humihingi ng konting awa at habag
Dahil sa mga taong sakim sa kayamanan at kapangyarihan
Bayan koy niyurakan at pinagkait ang
Kapayapaan at kaunlaran
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.