Sindikato ng droga buhay na naman sa Bilibid ayon kay Duterte

By Den Macaranas, Isa Avendaño-Umali July 12, 2017 - 04:25 PM

Photo: Isa Umali

Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling nanumbalik ang sindikato ng droga sa mga bilangguan sa bansa partikular na sa New Bilibid Prisons.

Sa kanyang talumpati sa 26th anniversary ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), sinabi ng pangulo na ilang mga Chinese nationals ang nasa likod ng mga sindikato ng droga.

“Kapag hinayaan ninyong makapasok ang mga cellphone sa loob ng kulungan magsisimula na naman ang negosyo nila dyan”, ayon sa pangulo.

Nauna nang sinabi ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre ang muling pamamayagpag ng illegal drug trade sa Bilibid.

Sa kanyang talumpati, inamin rin ng pangulo na mayroon siyang specific instruction kina dating Criminal Investigation and Detection Group Region 8 Director Supt. Marvin Marcos na bantayan ang grupo ng Balik-Islam at mga sindikato ng droga sa loob ng mga kulungan.

Iyun umano ang dahilan kaya napatay sa loob ng kulungan si dating Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.

Inamin rin ng pangulo na inirekomenda ni Aguirre ang pagsasampa ng kasong murder sa grupo ni Marcos bagay na hindi naman tinutulan ng pangulo.

Sa kanyang pahayag ay sinabi ni Duterte na hindi niya pababayaang makulong ang mga tauhan ng PNP at AFP nang dahil lamang sa pagsunod sa kanyang utos partikular na sa kampanya kontra sa droga.

Hinikayat rin niya ang mga alagad ng batas na gawin ang kanilang tungkulin para malipol ang sindikato ng droga sa bansa.

TAGS: Bilibid, BJMP, duterte, Illegal Drugs, NBP, Bilibid, BJMP, duterte, Illegal Drugs, NBP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.