Lupain sa Manggahan Floodway naman ang inihihirit ng Kadamay sa pamahalaan
Lumusob sa Mendiola ang mga miyembro ng grupong KADAMAY, para singilin umano si Pangulong Duterte sa
pangakong pabahay.
Sa pagkakataong ito ang pagpapatigil naman sa ipinatutupad na demolisyon sa mga maralita na umookupa sa mga pribadong lupain ang kanilang inihihirit.
Giit ni John de Guzman, secretary general ng KADAMAY Metro Manila, hindi tinupad ni Pangulong Duterte ang pangakong walang magaganap na demolisyon sa kanyang administrasyon.
Nais din umano nila na maipamahagi muna ang mga pampublikong lupain sa mga maralita, halimbawa na lamang ang kahabaan ng Manggahan Floodway sa Pasig City.
Narito ang report ni Ricky Brozas:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.