Forced evacuation ipinatupad sa daan-daang pamilya na nasa danger zone sa Ormoc City
Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Ormoc City ang pagpapatupad ng forced evacuation daan-daang pamilya mula sa isang barangay na maituturing na danger zone matapos ang pagtama ng malakas na lindol doon kamakailan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, halos 500 pamilya o nasa 2,000 indbidwal ang kailangang alisin sa Barangay Danao na itinuturing nang danger zone matapos ang isinagawang assessment ng Phivolcs at Mines and Geosciences Bureau (MGB).
Matapos ang lindol noong nakaraang linggo, sinabi ng Phivolcs at MGC na kailangan nang ilikas sa mas ligtas na lugar ang 495 na residente sa Lake Danao.
Ayon kay Ormoc City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) head Ciriaco Tolibao nakahanda na ang temporary relocation sites para sa mga apektadong pamilya sa Brgys. Dolores, Luna, at San Pablo.
Partikular na pagdadalhan sa mga apektado ng forced evacuation ang mga covered court sa tatlong nabanggit na barangay.
Kung kakailanganin pa ng dagdag na relocation sites, nakahanda na rin ang San Pablo covered court, Bagong Buhay covered court at Barangay D.F Mejia covered court.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.