Kasong plunder laban kay ex-BIR chief Cesar Dulay, iimbestigahan ng DOF

By Kabie Aenlle July 12, 2017 - 04:22 AM

Sisiyasatin ng Department of Finance (DOF) ang kasong plunder na isinampa laban kay Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Cesar Dulay at iba pang opisyal ng kawanihan.

Ayon kay Finance Sec. Carlos Dominguez III, iimbestigahan ng legal department ang nasabing kaso na inihain sa Office of the Ombudsman noong nakaraang buwan laban kay Dulay at 16 iba pang opisyal.

Ito kasi ay may kinalaman sa pagkaltas umano ng BIR sa tax liabilities ng Del Monte Philippines Inc. mula noong 2011 hanggang 2013, na naging P65.4 million na lang mula sa dating P30 billion.

Gayunman, ayon kay Dominguez, wala namang krimen na ginawa ang Del Monte at na sakop ng kapangyarihan ng BIR ang ginawa nito.

Nilinaw naman niyang hindi niya ipinagtatanggol ang BIR, bagkus ay sinasabi lang niya ang katotohanan.

Samantala, sinabi naman ni Finance Undersecretary Bayani Agbin na hihingan ng DOF ng komento si Dulay tungkol sa kaso laban sa kaniya sa Ombudsman.

Pero aniya, ang sakop lang ng kanilang imbestigasyon ay ang administratibong aspeto lamang ng reklamo, dahil hindi naman na nila sakop ng kanilang hurisdiksyon ang pagsiyasat sa aspetong kriminal nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.