Ilang residente sa Marawi City pinayagang makauwi kapalit ng mga kundisyon ng AFP
Inanunsiyo ng militar na papayagan nila ang mga residente sa Marawi na bumalik sa kani-kanilang tirahan sa mga lugar na ikinokonsiderang “safe zones” para lamang kumuha ng mga mahahalagang dokumento at kagamitan.
Ayon kay Lt. Col. Christopher Tampus, commander ng 1st Infantry Battalion, nalaman na ng militar ang mga lugar sa loob ng lungsod na maaaring balikan na ng mga residente.
Pero dapat aniyang sumunod at makipag-ugnayan ng mga resident sa mga miyembro ng Task Force Ranao na naka-base sa provincial capitol.
Dapat din aniyang kumuha ng clearance sa Task Force Ranao ang mga residente na nais bumalik sa kanilang tirahan para matiyak kung ligtas na ang lugar sa mga sibilyan na nais nilang balikan.
Humingi naman ng paumanhin si Tampus dahil hindi nila papayagan ang pagkuha ng mga kagamitan tulad ng TV at refrigerators.
Ang mga lugar aniya na patuloy pa rin ang nagaganap na bakbakan ay mananatiling off limits sa mga sibilyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.