Death toll sa Marawi City siege umakyat na sa 510

By Chona Yu July 11, 2017 - 04:46 PM

Inquirer file photo

Umakyat na sa 510 ang bilang ng mga nasawi sa patuloy na nagaganap na bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Maute group sa Marawi City.

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines Spokesman B/Gen. Restituto Padilla na sa ika-limampung araw ng bakbakan sa Marawi City ay umakyat na rin sa 90 sundalo na ang nagbuwis ng kanilang buhay.

Umaabot naman sa 381 ang bilang ng mga nasawing terorista habang 39 ang bilang ng mga sibilyan.

Ayon kay Padilla nasa 461 naman na matataas na kalibre ng baril ang narekober at 1,723 sibilyan ang na rescue.

Nauna nang sinabi ng Department of Social Welfare and Development na marami na rin ang mga nagkakasakit sa mahigit sa 40,000 katao na pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation centers.

TAGS: AFP, death toll, dswd, marawi, Maute, AFP, death toll, dswd, marawi, Maute

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.