Marcos bayad na sa P66 Million na election protest fee
Nakumpleto nang bayaran ni dating Sen. Bongbong Marcos ang P66.02 Million na siningil sa kanya ng Korte Suprema na tumatayong Presidential Electoral Tribunal para sa kanyang protesta laban kay Vice President Leni Robredo.
Sinabi ng abogado ni Marcos na si Atty. George Garcia, kahapon, araw ng Lunes ay nakapagdepoito na sila ng dalawang manager’s check na nagkakahalaga ng P30 Million sa Cash Collection and Disbursement Division ng Supreme Court.
Mas maaga ito ng apat na araw sa deadline na ibinigay para kumpletuhin nila ang ikalawang installment ng protest fee.
Ayon kay Garcia, nabuo ni Marcos ang P30 Million sa tulong ng kanyang mga kaibigan at kita mula sa ibinentang condominium unit.
Una nang nabayaran ni Marcos ang initial deposit na P36,023,000 noong April 17 na nabuo niya sa tulong ng a kanyang mga kaibigan at supporters.
Naniniwala ang dating senador na ninakawan siya ng panalo sa mahigpit na vice presidential election noong nakalipas na taon.
Kaninang umaga ay sinimulan na rin ang PET sa kanilang preliminary conference kaugnay sa reklamo ni Marcos laban kay Robredo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.