PNP naalarma sa pagkamatay ng mga bilanggo sa mga siksikan na kulungan

By Justinne Punsalang July 11, 2017 - 03:18 PM

Inquirer file photo

Umaabot na sa 54 ang bilang ng mga bilanggo sa buong Region 4A ang namatay dahil sa sakit simula noong buwan ng Enero ng kasalukuyang taon.

Ngayon buwan ng Hulyo ay dalawang bilanggo ang namatay sa loob ng piitan sa Cavite at Rizal dahil sa sakit.

Sa Cavite ay namatay si Leonardo Manuel na nakakulong sa Bacoor City Jail matapos itong dalhin sa Las Piñas District Hospital dahil sa hirap sa paghinga.

Ayon sa mga doktor na tumingin kay Manuel, multiple organ failure, sepsis, at tuberculosis ang sanhi ng pagkamay nito.

Dead-on-arrival naman sa Antipolo Provincial Hospital si Angelito Alday matapos itong mawalan ng malay dahil din sa hirap sa paghinga.

Ayon kay Superintendent Chitdel Gaoiran, Police Regional Office 4A Spokesperson, ang masisikip at siksikang mga selda dulot ng maraming mga  naaaresto ng pulisya dahil sa war on drugs ang sanhi ng pagdami ng namamatay na mga bilanggo.

Sa kabuuan ay umaabot lamang sa 3,455 na mga bilanggo ang kasya sa 283 na detention facilities sa buong Calabarzon region.

Ngunit sa huling pagtaya noong buwan ng Mayo ng kasalukuyang taon, mayroong kabuuang 5,059 na mga bilanggo, 3,562 dito ang nakakulong dahil sa mga drug-related cases.

Sa 54 na mga namatay na bilanggo, 39 dito ay mula Cavite, pito sa Laguna, lima sa Rizal, at tatlo sa Batangas.

Wala namang naitalang namatay na bilanggo sa lalawigan ng Quezon.

Mayroong 940 na mga bilanggo sa buong Calabarzon region ang napag-alamang mayroong tuberculosis at skin diseases.

TAGS: calabarzon, inmates, PNP, War on drugs, calabarzon, inmates, PNP, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.