Panukalang martial law extension hanggang 2022, masyadong mahaba

By Isa Avendaño-Umali July 11, 2017 - 05:05 AM

 

Masyadong mahaba ang limang taon para sa pagpapairal ng martial law sa Mindanao, ayon kay Armed Forces of the Philippines o AFP Spokesman Brig. General Restituto Padila.

Tugon ito ni Padilla sa inilutang ni House Speaker Pantaleon Alvarez na pagpapalawig ng batas militar ng limang taon o hanggang 2022.

Sa Mindanao Hour briefing, sinabi ni Padilla na bago gumawa ng rekumendasyon ang AFP kay Pangulong Rodrigo Duterte na commander-in-chief, kailangan ay may sapat at matalinong basehan.

Ani Padilla, hindi niya alam kung ano ang pinagbabatayan ni Alvarez sa kanyang naging pahayag na ekstensyon sa martial law sa Mindanao, lalo’t ito ay isang “political decision.”

Maaaring may impormasyon ang speaker na hindi naman hawak ng AFP.

Subalit giit ni Padilla, ang pinagbabatayan nila ay ang mga banta na kinakaharap sa ngayon

Dagdag ng AFP spokesperson, mas mainam aniya na hintayin ang magiging assessment at inputs na pinagsusumikapang tapusin ng mga kinauukulan.

Ang idineklarang martial law ni Duterte, na bunsod ng krisis sa Marawi City, ay tatagal lamang ng animnapung araw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.