Pitong mga pasahero ng Cebu Pacific Flight na may apilyedong Maute na patungo sana ng Kuala Lumpur, Malaysia ang hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration at Airport Police Department sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Ayon kay Charo Logarta, tagapagsalita ng Cebu Pacific, dinala na sa tanggapan ng Airport Police Department ang pito para sa imbestigasyon.
Pasakay sana ang mga miyembro ng Maute family sa flight 5J-499 kaninang alas-dos ng hapos nang sila’y harangin ng mga otoridad.
Kabilang sa mga naharang sina Abdulcahar Maute, Al Nizar Maute, Abdulrahman Maute, Yasser Maute, Ashary Maute, Mawiyag Cota at Acmali Mawiyag.
Hindi naman matukoy ni Logarta kung kabilang ang pito sa arrest order na ipinalabas ng Department of National Defense kaugnay sa umiiral na martial law sa Mindanao region.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.