Bitin ng mahigit kalahating milyong piso ang narekober na pera sa serye ng mga raid na isinagawa ng Bureau of Corrections sa New Bilibid Prisons noong nakaraang taon.
Ito ang napansin ng Commission on Audit (COA) sa kanilang annual audit report for 2016.
Sa ulat, sinabi na dapat ay aabot sa P2.13 milyon ang iti-nurn over na
pera ng BuCor sa kanilang cashier na kabuuan ng mga nabawing pera sa Oplan Galugad.
Ngunit lumilitaw na nasa P1.63 milyon lamang ang na-remit na halaga.
Dahil dito, inirerekomenda ng COA sa BuCor na maglunsad ng imestigasyon sa nawawalang pera at panagutin ang sinumang may kinalaman sa insidente.
Bukod sa pera, hindi na rin mahagilap ang limang piraso ng mamahaling alahas na nakumpiska rin sa Oplan Galugad sa mga kulungan sa Bilibid.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.