6 bihag ng Maute, pinatay dahil ayaw lumaban sa mga sundalo

By Kabie Aenlle July 10, 2017 - 04:34 AM

 

Hindi bababa sa anim ang mga bihag na pinatay ng teroristang Maute Group sa Marawi City, matapos tumanggi ang mga ito na makipagbakbakan laban sa mga pwersa ng gobyerno.

Ayon kay Lt. Col. Christopher Tampus na commander ng 1st Infantry Battalion, nalaman nila ang impormasyong ito mula sa tatlong bihag na nakatakas noong June 29.

Aniya, pawang mga bihag din ang bumabaril sa mga nagpapatrulyang sundalo sa Lake Lanao, dahil pinupwersa sila ng mga terorista na gawin ito.

Wala na aniyang magawa ang mga ito kundi sumunod na lang dahil anim na kapwa nila bihag ang binaril at pinatay sa harap nila.

Una naman nang sinabi ng mga bihag na nakatakas na sapilitan rin silang pinagnanakaw ng mga terorista sa mga bahay at establisyimento sa Marawi City, habang ang iba naman ay ginagawang sex slaves.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.