Desisyon sa mga kasong may kaugnayan sa Maguindanao massacre, pinamamadali na

By Kabie Aenlle July 10, 2017 - 04:32 AM

 

Ibinasura ng Quezon City Regional Trial Court Branch 221 ang kasong multiple murder laban sa tatlong suspek sa Maguindanao massacre.

Matatandaang 58 katao ang nasawi sa malagim na masaker noong November 23, 2009 sa Maguindanao, kabilang na ang maraming mga mamamahayag.

Dahil dito, nanawagan na si Kabayan Party-list Rep. at Deputy Minority Leader Harry Roque sa korte ng Quezon City na may kawak sa mga kaso tungkol sa Maguindanao massacre, na bilisan na ang paglalabas ng desisyon laban sa mga suspek, kabilang na ang mga Ampatuan.

Sa pahayag ni Roque, sa simula pa lang ay personal na niyang ninanais na pagtuunan ng pansin ng proseksusyon ang mga miyembro ng angkan ng Ampatuan na nadawit sa krimen na ito, pati na sa iba pang mga suspek na kanilang nakasabwat.

Aniya pa, naging mailap ang hustisya para sa mga kaanak ng mga biktima ng naturang masaker sa loob ng nagdaang mahigit pitong taon.

Nangako aniya si dating Pangulong Benigno Aquino III na mareresolbahan ang kasong ito bago matapos ang kaniyang termino, ngunit hindi niya ito nagawa.

Umapela pa si Roque sa naturang korte na ipatupad ang “First In, First Out (FIFO) Rule” upang makapagbigay naman kahit partial judgment pa lamang sa mga kaso.

Ito na kasi ang ipinatutupad na sistema ng Supreme Court para mapabilis ang pagproseso sa mga kaso.

Pinalaya na ng korte ang mga suspek na sina Kominie Inggo, Dexson Saptula at Abas Anongan matapos paburan ng korte ang kanilang demurrer to evidence.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.