Isang sibilyang tumakas mula sa Marawi City, nasagip ng mga sundalo

By Jong Manlapaz July 09, 2017 - 05:05 PM

 

Limang araw at apat na gabi na palutang-lutang sa tubig si Jun Abapo, 45 years old ng Barangay Kalubi, Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte, matapos siyang ma-trap ng mahigit isang buwan sa bakbakan sa Marawi City.

Ayon kay Abapo, tatlo silang magkakasama, kabilang ang kanyang pamangkin nang tangkain nilang languyin ang Agus river papunta sa hanay ng mga militar.

Pero tumagal sila sa tubig dahil binabaril sila ng mga terorista ng Maute group, na ikinamatay ng kanyang kasama habang nawala naman ang kanyang pamangkin sa tubig.

Sa kwento pa ni Abapo, habang nasa tubig sila ay nagawa nilang kainin ang waterlily, habang ito rin ang ginamit nila para makalutang at makapagtago sa mga terorista na bumabaril sa kanila.

Ayon naman kay 1st Infantry Battalion 1st Lt. Yvonne Altamera, alas-otso ng umaga nang nagsagawa ng rescue operations ang mga sundalo hanggang sa makita si Abapo.

Sinigawan nila ito na lumangoy papalapit sa kanila gamit ang isang galon ng tubig para lumutang.

Ginawa ng mga militar ang rescue habang binabaril sila ng mga kalaban, hanggang mailapit nila sa safe zone si Abapo.

Ngayon ay nasa ligtas nang kalagayan si Abapo at isinasailalim na lamang sa debriefing bago ibalik sa kanyang pamilya.

 

 

 

TAGS: Marawi city siege, Marawi city siege

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.