Pag-isyu ng ID sa Muslim communities, maituturing na “discriminatory plan” – Lorenzana
Inilarawan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana bilang “discriminatory” ang plano ng mga opisyal ng pulis at sundalo sa Gitnang Luzon na maglabas ng ID sa mahigit 26,000 Muslim sa rehiyon.
Sa isang mensahe, kinuwestiyon ni Lorenzana kung bakit mga Muslim lang ang dapat magkaroon ng ID at hindi na lang ang lahat.
Aniya, pinayuhan niya ang mga security officials na irekonsidera ang gagawing aksyon at binalaan sa posibleng negatibong epekto nito.
Kamakailan, sinabi ng ilang opisyal na makakatulong ang ID sa Muslim communities na makilala ang mga hinihinalang indibidwal.
Paliwanag naman ni Police Regional Office 3 Director Aaron Aquino, layon nitong protektahan ang mga sibilyan at ang gobyerno laban sa terorismo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.