Pagbabalik ng kuryente sa mga apektadong lugar sa Visayas, tututukan ng DOE

By Mark Makalalad July 08, 2017 - 04:56 AM

Patuloy pa rin ang assessment ng Department of Energy (DOE) sa pagsasaayos ng suplay ng kuryente sa ilang lugar sa Visayas matapos tumama ang Magnitude 6.5 na lindol noong Huwebes.

Apektado kasi ng power interruption ang Leyte, Samar, Bohol, Panay Island, Negros, Cebu at iba pang bahagi ng Visayas.

Patuloy ang koordinasyon ng DOE sa iba pang ahensya para silipin ang naging pinsala pati na rin ang NGCP para malaman ang lawak ng pinsala sa mga transmission facilities nito sa Visayas.

Sa ngayon ay hindi pa umano sigurado kung kailan maibabalik ang suplay ng kuryente sa mga apektadong lugar pero tiniyak naman ng DOE na ginagawa na nila ang lahat ng kanilang makakaya para agad itong masolusyunan

Una nang nagbigay ng direktiba ang DOE sa mga managers ng mga energy facilities kahapon kabilang na ang mga power distribution utilities na magsumite ng regular na update sa ahensya para sa tamang koordinasyon at mabilis na panunumbalik ng kuryente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.