Pagproseso sa unpaid wages at monetary claims ng mga repatriated OFW mula Saudi, pinamamadali na

By Mark Makalalad July 08, 2017 - 04:56 AM

Tiniyak ni Labor Secretary Silvestre Bello III na patuloy na bibigyan ng pamahalaan ng karampatang tulong ang mga repatriated overseas Filipino workers mula sa Kingdom of Saudi Arabia.

Ito ay habang hinihintay pa ang pinal na desisyon ng Korte kaugnay sa unpaid wages at monetary claims ng mga OFW doon.

Ayon kay Bello, patuloy ang pag-monitor ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa kaso ng money claims ng mga OFW sa kanilang mga kumpanya sa Saudi.

Sinabi naman ni OWWA Deputy Administrator Brigido Dulay at Atty. Ceasar Chavez ng OWWA Repatriation Assistance Division na humingi na rin sila ng tulong sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Al Khobar para mapabilis ang pag-iisyu ng pera sa OFW.

Sa ngayon, mayroon nang 5,376 na ang nakauwing OFWs mula sa Saudi.

Samantala, ang mga napauwing OFW ay binigyan naman ng agarang ayuda ng OWWA kabilang na ang psycho-social counselling, stress debriefing at medical referral.

Nakatanggap din ang bawat isa sa kanila ng P20,000.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.