AFP, wala pang alam sa posibleng rekomendasyon ng DND sa isyu ng martial law
Hindi pa masabi ngayon ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Brigadier General Restituto Padilla kung ano ang magiging rekomendasyon ng Department of National Defense (DND) kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa usapin ng martial law sa Mindanao.
Ginawa ni Padilla ang pahayag sa gitna ng balita na magbibigay na sa susunod na linggo ng rekomendasyon ang DND kay Pangulong Duterte sa usapin ng martial law base sa kanilang assessment sa sitwasyon hindi lang sa Marawi City kundi sa buong Mindanao.
Sa Mindanao Hour sa Malacanang, sinabi ni Padilla na hindi niya masabi ngayon kung ang irerekomenda ay ang extension o pagtanggal ng Martial Law sa buong rehiyon.
Paliwanag ng opisyal, hanggang ngayon kasi ay nagpapatuloy ang ginagawang pagaaral o assessment ng pamahalaan sa sitwasyon ng seguridad sa Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.