Nasawi ang 14 na sibilyan nang mabagsakan ng bomba sa airstrike ng pwersa ng gobyerno ng Nigeria dahil sa pag-aakalang myembro ang mga ito ng extremist group na Boko Haram.
Ayon sa mga opisyal, pumunta ang mga magsasaka sa baryo ng Adabam sa Nigerian border para tignan ang kanilang mga pananim.
Gayunman, ang Adabam ay kabilang sa lugar sa Nigeria na hindi maaaring puntahan nang hindi nakikipag-ugnayan sa mga otoridad, ayon kay Yahaya Godi, secretary general ng Diffa regional authority. Pinalikas ang mga tao sa lugar dahil sa tumitinding pagrerebelde.
Giit ni Godi, nilabag ng mga magsasaka ang ban dahil hindi sila nakipag-ugnayan sa mga otoridad. Dagdag niya, hindi matutukoy mula sa eroplano kung sino ang rebelde at ang sibilyan.
Inakala ng mga sundalo na myembro ng Boko Haram ang mga ito dahil sa kanilang lokasyon.
Dahil dito, binagsakan ng bomba ang 14 na katao para iwasan ang pag-atake.
Sa ngayon, hindi pa nagkokomenta ang otoridad sa Diffa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.