Net satisfaction rating ni Duterte, tumaas ayon sa SWS survey

By Rohanisa Abbas July 07, 2017 - 11:00 AM

Muling sumipa ang net satisfaction rating ng mga Pilipino kay Pangulong Rodrigo Duterte, batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations.

Nasa 78% ang nasiyahan sa ginagawa ng pangulo, habang 12% naman ang hindi nasiyahan at 10% ang undecided. Katumbas ito ng +66 na net satisfaction rating na new record high kay Duterte.

Tumaas ito mula +63 noong Marso.

Ang pinakahuling survey ng SWS ay isinagawa mula June 23 hanggang 26 sa 1,200 respondents mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa kanyang net satisfaction, umani ang Pangulo ng +58 sa Balance Luzon mula +51, at +73 sa Visayas, mula +62 noong Marso.

Bagaman tumaas ang puntos na nakuha ni Duterte sa naturang dalawang rehiyon, bumaba naman nang isang puntos sa +63 ang kanyang marka sa Metro Manila, at lumagapak sa +75, mula +87 sa Mindanao.

Samantala, ipinahayag naman ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na ang resulta ng pinakahuling survey ng SWS ay pagpapakita ng suporta ng publiko sa tugon ni Duterte sa rebelyon sa Marawi City.

Isinailalim sa 60 araw na Martial Law ang Mindanao noong May 23 matapos atakehin ng Maute group ang lungsod.

 

 

TAGS: Marawi City, net satisfaction rating, Rodrigo Duterte, SWS, Marawi City, net satisfaction rating, Rodrigo Duterte, SWS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.