Mahigit 100 pasyente ang dinala sa ospital sa buong Region 8 matapos ang magnitude 6.5 na lindol
Umabot na sa 104 na pasyente ang dinala sa ospital sa Region 8 bunsod ng tumamang magnitude 6.5 na lindol sa Jaro, Leyte.
Kabilang sa mga pasyenteng ito ang 25 na nakaranas ng hysteria, 6 na nagtamo ng minor injury, 31 ang kinailangang i-admit, 1 ang naputulan ng binti, 10 ang isinailalim sa minor operation at 40 naman ang pinauwi agad matapos malapatan ng lunas.
Ayon sa Disaster Risk and Management Disaster Risk Reduction and Management Council, nagpakalat na ng mga tauhan ng Philippine National Police sa mga apektadong lugar para maiwasan ang insidente ng looting.
Namahagi na rin ng relief goods sa Barangays Lake Danao at Cabaon-an.
Samantala, sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Leyte PDRRMO Chief Engr. Arvin Monge na ngayong araw ay ipagpapatuloy nila ang assessment sa lawak ng pinsala ng lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.