DOE, patuloy na ina-assess ang lawak ng pinsala ng Leyte quake
Masusing binabantayan ng Department of Energy (DOE) ang pagsasaayos ng suplay ng kuryente matapos ang pagtama ng Magnitude 6.5 na lindol na tumama sa Visayas.
Nawalan ng suplay ng kuryente ang Leyte, Samar at Bohol maging ang Panay Island, Negros, Cebu at ibang pang bahagi ng Visayas ay naapektuhan din ng naturang power interruption.
Patuloy ang koordinasyon ng DOE sa iba pang ahensya para silipin ang naging pinsala.
Patuloy pang inaalam ng NGCP ang lawak ng pinsala sa mga transmission facilities nito sa Visayas.
Inabisuhan na ni DOE Sec. Alfonso Cusi ang mga industry players na siguruhin ang pagsunod sa safety practices sa pagapapnumbalik ng suplay ng kuryente sa mga lugar na naapektuhan ng naturang lindol.
Sinisuguro ng NGCP sa DOE at sa publiko na magsasagawa ng aerial at foot patrols kapag nasiguro na ligtas na itong gawin.
Nagbigay na ng direktiba ang DOE sa mga managers ng mga energy facilities kabilang na ang mga power distribution utilities na magsumite ng regular na update sa ahensya para sa tamang koordinasyon at mabilis na panunumbalik ng kuryente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.