2 pulis Mandaluyong na nasangkot sa pang-aabuso, dumating na sa Marawi

By Kabie Aenlle July 06, 2017 - 05:27 AM

Nasa Marawi City na ngayon ang dalawang pulis mula sa Mandaluyong City na nakuhanan ng video habang sinasaktan ang mga naarestong nag-iinuman sa kalsada sa isang presinto.

Ayon kay Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) police regional director Chief Supt. Reuben Sindac, opisyal nang nai-turnover sa Lanao del Sur police sina PO1 Jose Tandog at Chito Enriquez.

Noong nakaraang linggo lamang ay nagngitngit sa galit si Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Ronald dela Rosa kina Tandog at Enriquez matapos mag-viral sa social media ang video kung saan makikitang ginulpi nila ang kanilang mga naaresto.

Dahil dito ay ipinatapon sila ni Dela Rosa sa Marawi City para mapabilang sa pwersa ng pulis na lumalaban sa Maute Group.

Sumunod naman sina Tandog at Enriquez sa kautusan ng hepe ng PNP, at nakapag-report na kay Sindac kahapon sa Camp SK Pendatun sa Parang, Maguindanao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.