Pull-out ng mga PNP-SAF members sa Bilibid inihirit ni Bato kay Duterte

By Chona Yu July 05, 2017 - 04:43 PM

Inquirer file photo

Personal nang hiniling ni Philippine National Police Chief Director General Ronald Dela Rosa kay Pangulong Rodrigo Duterte na alisin na ang Special Action Force na nagbabantay sa mga drug lord sa New Bilibid Prisons (NBP) at palitan ng mga tauhan ng Philippine Marines.

Ginawa ni Dela Rosa ang pahayag matapos ibunyag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na bumalik na naman ang operasyon ng ilegal na droga sa Bilibid at sangkot umano ang ilang SAF members.

Ayon kay Dela Rosa, naibulong na niya ito sa pangulo subalit pahapyaw lamang dahil sa mas maraming seryosong bagay silang napag-usapan ng pangulo.

Sinabi pa ni Dela Rosa na kinausap na rin niya si Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Eduardo Año para hilingin na magpadala ng Marine personnel sa Bilibid.

Pero ang tugon umano sa kanya ni Año ay wala pa itong maibibigay na tauhan mula sa Philippine Marines dahil abala pa ang kanilang hanay sa pakikipagbakbakan sa Maute group sa Marawi City.

Dahil dito, sinabi ni Dela Rosa na hindi na niya muna mapapalitan ang mga SAF members na nagbabantay sa Bilibid.

TAGS: Bilibid, dela rosa, duterte, Marines, SAF, Bilibid, dela rosa, duterte, Marines, SAF

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.