Pinairal na total truck ban ng San Mateo, Rizal, ipinawalang bisa ng Provincial Board
Ipinawalang bisa ng Rizal Provincial Council ang ordinansa na ipinatupad ng lokal na pamahalaan ng San Mateo, Rizal na nagbabawal sa mga truck na dumaan sa kanilang lugar sa loob ng 300-araw.
Sa resolusyon ng Sangguniang Panlalawigan ng Rizal, idineklarang ‘ultra vires’ ang ordinansa ng San Mateo na nagpapatupad ng total ban sa lahat ng truck na 10-wheeler pataas sa kahabaan ng kanilang major road mula Barangay Banaba hanggang sa Guitnangbayan II.
Ayon sa resolusyon ng provincial council, kulang sa requirements para maituring na balido ang ordinansa.
Masasakripisyo din umano ang interest ng mga stakeholder kung itutuloy ang total ban sa loob ng 300-araw.
Maliban dito, nakasaad sa resolusyon na maaapektuhan din ng ban ang publiko dahil maari itong magdulot ng delay sa pagdeliver ng mga basic service.
Ayon sa provincial board, bagaman may kapangyarihan ang mga lokal na pamahalaan na i-regulate ang national roads na kanilang nasasakupan ay maituturing naman nang labis na prohibition ang isinasaad sa ordinansa ng bayan ng San Mateo.
Ang nasabing ban sa pagdaan ng mga truck sa San Mateo Rizal ay ay nagdulot ng perwisyo at matinding traffic sa mga motorista sa katabing bayan na Rodriguez.
Ayon kay Rodriguez Councilor Roger Frias, dahil sa perwisyong naidulot ng nasabing truck ban ay ipinarating nila sa Provincial Government ang reklamo at pagtutol sa nasabing ordinansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.