EU, nangako ng P49-M humanitarian aid sa mga apektado ng Marawi crisis

By Mariel Cruz July 05, 2017 - 04:28 AM

 

Magbibigay ng humanitarian aid ang European Union na nagkakahalaga ng P49 million o 850,000 euros sa mga biktima ng nagaganap na bakbakan sa Marawi City, sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ISIS-Inspired Maute terror group.

Ang nasabing donasyon ay magmumula sa European Civil Protection and Humanitarian Aid Operations.

Sa inilabas na pahayag ng EU, nakasaad na gagamitin ang donasyon na pambili ng pagkain at tubig, health care at hygiene kits.

Una nang sinabi ng gobyerno na hindi na sila tatanggap ng tulong sa EU, na isa sa mga bumabatikos sa war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero nilinaw ng gobyerno na, tatanggapin pa rin ng bansa ang humanitarian aid.

Nauna nang nagbigay ng donasyon ang China na aabot sa P20 million para sa relief operations sa Marawi, kabilang na ang P5 million para naman sa pamilya ng mga namatay na sundalo.

Maging ang Beijing ay nagpaabot na din ng tulong, kung saan nagbigay ito ng P370 million halaga ng mga armas bilang panlaban sa terorismo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.