3 Kalihim na na-bypass ng CA, ni-reappoint ni Pang. Duterte

By Isa Avendaño-Umali July 05, 2017 - 04:20 AM

 

Inquirer photo

Muling itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kalihim na na-bypass ng makapangyarihang Commission on Appointments.

Ang naturang Secretaries ay sina Judy Taguiwalo, na reappointed bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development; Paulyn Ubial sa Department of Health; at Rafael Mariano sa Department of Agrarian Reform.

Matatandaan na bigong makalusot sina Taguiwalo, Ubial at Mariano sa CA sa kabila ng ilang beses nilang pagharap sa lupon.

Pero dahil may tiwala pa rin sa kanila ang pangulo, na-reappoint sila sa kani-kanilang ahensyang pinamumunuan.

Itinalaga rin ni Duterte bilang ad interim secretary ng Department of Environment and Natural Resources o DENR si Roy Cimatu.

Siya ay naipwesto kapalit ni dating DENR Secretary Gina Lopez na hindi nakakuha ng pag-apruba ng CA.

June 1 pa pinirmahan ni Duterte ang reappointment papers ng mga kalihim, subalit ngayong araw lamang inilabas ng Palasyo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.