Trillanes balak ireklamo sa Ethics Committee ni Ejercito
Pinag-aaralan ni Senator JV Ejercito ang posibleng pagsasampa ng reklamo sa Senate Ethics Committee laban kay Sen. Antonio Trillanes.
Ayon kay Ejercito, mahirap mang gawin sa isang kasamahan ay ikokonsulta niya sa mga kasamahang senador ang nabanggit na hakbang laban kay Trillanes.
Ang hakbang ay makaraang sabihin ni Trillanes na ang mga senador ay duwag at mistulang tuta o puppet ng administrasyong Duterte.
Paliwanag ni Ejercito, nakakasira na sa Senado bilang institusyon si Trillanes at nakakapagpagulo na rin ito sa buong bansa.
Ikinatwiran rin ni Ejercito na kahit matindi ang pagkontra sa administrasyong Duterte ay hindi dapat na binabastos ni Trillanes at magpakita ng asal na hindi akma para sa isang mambabatas.
Sa kanyang panig, sinabi naman ni Sen. Richard Gordon na KSP o kulang lamang sa pansin si Trillanes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.