Legalidad ng martial law sa Mindanao dapat igalang ayon sa Malacañang

By Isa Avendaño-Umali July 04, 2017 - 03:52 PM

“Nagsalita na ang korte… ang proclamation 216 ay constutitutional o naaayon sa Saligang Batas”.

Yan ang pahayag ng Malacañang, kasunod ng pagpabor ng Korte Suprema sa idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na martial law sa buong Mindanao.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, misong si Duterte ang nangako na poprotektahan ang sambayanang Pilipino.

Hindi aniya titigil ang pangulo hangga’t hindi mahinto ang rebelyon, terorismo at mapalaya sa kamay ng mga terorista ang Marawi City.

Sa pasya ng Mataas na Hukuman, sinabi ni Abella na nakatindig at nagkakaiisa na ang buong gobyerno ngayon kontra sa kalaban ng bayan.

Umapela naman si Abella sa publiko na ibigay ang buong suporta at kooperasyon sa mga otoridad dahil ang pagtiyak ng seguridad sa komunidad ay responsibilidad ng lahat.

TAGS: abella, duterte, marawi, Mindanao, Supreme Court, abella, duterte, marawi, Mindanao, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.