Malaysian National hinarang ng BI dahil sa paggamit ng ibang pasaporte
Naunsyame ang pagpasok sa Pilipinas ng isang Malaysian nang harangin siya ng mga otoridad sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
Nagpanggap kasi ang suspek na 41-anyos na si Paul Daniel Lim na ibang tao gamit ang ibang pasaporte.
Sa impormayon mula kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente, nabatid na pinigil ng mga tauhan ng ahensya si Lim na sakay ng Cebu Pacific mula sa Kota Kinabalu.
Kaduda-duda daw kasi ang mga dokumento at kinalaunan ay umamin na hindi siya ang nasa passport na gamit niya sa pag-biyahe sa Maynila.
Si Lim ay napansin ng mga tauhan ng Immigration dahil hindi magtugma ang itsura nito sa larawan sa dala niyang pasaporte na nakapangalan sa isang Arry Bin Jong.
Sa interogasyon sa suspek, umanin ito na napilitan siyang itago ang tunay niyang pagkatao dahil wanted siya sa kasong estafa sa Malaysia.
Inamin din ng suspek kung sinong pinoy ang contact niya sa bansa at dapat sanay tutuluyan nito pagdating ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.