WATCH: Panununtok ng bus driver sa tatlong MMDA enforcers, viral sa social media

By Dona Dominguez-Cargullo July 04, 2017 - 08:09 AM

Kalaboso ang isang driver ng bus at kaniyang kunduktor matapos pagsusuntukin ang tatlong traffic enforcer sa EDSA – P. Tuazon sa Cubao, Quezon City.

Nakuhanan ng netizen ang panununtok ng driver na si Eddie Magangcong Jr., sa tatlong traffic enforcers na humuli sa kaniya.

Ayon kay Magangcong, pasado alas 3:00 ng hapon kahapon, July 3, nang sitahin siya ng tatlong enforcers dahil sa pagbababa sa mga pasahero sa no loading and unloading area.

Nakiusap naman sa mga enforcer ang kunduktor na si Kim Lester Padilla at sinabing senior citizens at may kapansanan ang ibinaba nila sa lugar.

Pero nang hindi umano nakuha sa pakiusap ang enforcers, doon na nagalit si Magangcong, bumaba at hinamon na ng suntukan ang tatlo.

Sa tatlong enforcers, si Traffic Enforcer 3 Roberto Supan ang napuruhan matapos magtamo ng sugat sa ulo at bali sa leeg.

Sugatan din ang dalawa pa na sina Rodel Abanil at Francisco Apostol.

Desidido naman ang tatlo na ituloy ang pagsasampa ng kaso laban sa bus driver.

 

 

 

 

TAGS: bus driver, metro, mmda enforcers, Radyo Inquirer, traffic incident, bus driver, metro, mmda enforcers, Radyo Inquirer, traffic incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.