‘Inclusive growth’ pangako ng bagong pinuno ng Bangko Sentral ng Pilipinas

By Jay Dones July 04, 2017 - 04:05 AM

 

Nangako ang bagong-upong pinuno ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nan a isusulong ang ‘inclusive growth’ sa kanyang liderato.

Sa kanyang talumpati bilang bagong BSP Governor at Monetary Board Chair, sinabi ni Nestor Espenilla Jr., na bahagi ng kanyang hangarin na panatilihin na mababa ang presyo ng mga bilihin at susuportahan ang economic expansion ng bansa.

Pananatilihin niya rin ang nauna nang mga inilatag na magagandang hakbang ng nagretirong BSP Governor na si Amando Tetangco Jr. upang
magpatuloy ang pagiging metatag ng financial system ng bansa.

Naniniwala rin si Espenilla na magiging tunay na maunlad lamang ang bansa kung lahat ng sektor ay sabay-sabay na aangat na magreresulta sa karagdagang trabaho at kabuhayan ng mga Pilipino.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.